FAQ

1. Ano ang Kooperatiba?


Ang Kooperatiba ay isang independiente at rehistradong samahan sa Cooperative Development Authority, na may pangkaraniwang dahilan ng interes, na kusang nag-organisa at may pantay-pantay na kontribusyon sa kinakailangang kapital.


2. Bakit natatangi ang Kooperatiba kumpara sa mga pribadong kumpanya?

a. Ang prayoridad ng Kooperatiba ay serbisyo muna sa mga kasapi nito bago pa ang kita o profit ng samahan di tulad sa pribadong kumpanya na ang prayoridad ay kumita muna.

b. Ang Kooperatiba ay may "Patronage Refund System" na kung saan may parte ang kasapi nito sa mga kinita ng Koop na nanggaling din sa mga kasapi nito na wala sa pribadong kumpanya.

c. Ang pagboto sa Kooperatiba ay base sa patakarang 1 regular na kasapi isang boto di tulad sa pribadong kumpanya na ang pagboto ay base sa yaman/halaga ng kanyang stock/share sa kumpanya.

d. Ang panunungkulan sa Kooperatiba ay base sa kaalaman at kakayahan ng opisyales o empleyado at hindi batay sa rekomendasyon ng isang pamilya na meron pinakamalaking stock/share sa pribadong kumpanya.


3. Kailan na rehistro ang Kooperatiba sa Cooperative Development Authority at magkano na ang authorized share capital nito?

Ang Kooperatiba ay na rehistro sa Cooperatibe Development Authority nuong ika-17 ng Marso 2012 at ito ay awtorisadong magkaroon ng Php12,000,000.00 share capital.


4. Sino-sino ang namamahala sa Kooperatiba?

Ang mga gawain ng Kooperatiba ay pinamamahalaan ng 5 Board of Directors. Ang tagapag patupad ng mga polisiya ng Kooperatiba ay ang mga sumusunod:


1. General Manager - Board appointed

2. Treasurer - Board apointed

3. Secretary - Board appointed

4. Credit Committee - Board appointed

5. Education and Training Committee - Board appointed

6. Mediation and Conciliation Committee- Board appointed

7. Gender and Development Committee- Board appointed

8. Audit and Inventory Committee- General Assembly elected

9. Election Committee- General Assembly elected


5. Kailan pwedeng manghiram and isang kasapi ng Kooperatiba?

Pwede nang manghiram ang isang kasapi kapag nakumpleto niya na ang mga sumusunod:

a. Aprobadong aplikasyon para maging kasapi ng Koop.

b. Sertipiko na natapos niya na ang Pre-Membership Education Seminar.

c. Nabayaran niya na ang Php100.00 Membership Fee at Php2,000.00 paunang share capital.


6. Anu-ano ang katungkulan ng isang kasapi sa Koop?

Ang katungkulan ng isang kasapi ng Koop ay:

a. Bayaran ang kanyang "subscribed share capital na Php20,000.00, pwedeng hulugan o isang bigay.

b. Tangkilikin ang mga produkto at serbisyo ng Koop.

c. Dumalo sa taunang General Assembly ng mga kasapi at bumoto para sa halalan ng mga opisyales ng Kooperatiba, at

d. Dumalo sa pag-aaral na isasagawa ng Education and Training Committee/Gender and Development Committee.


7. Kailan matatanggap ng kasapi ang kanyang taunang dibidendo?

Ang taunang dibidendo o interes sa share capital at patronage refund ay matatanggap ng mga kasapi sa iskedyul ng taunang General Assembly ng Kooperatiba na kadalasan ay tuwing ika tatlong (3rd) Linggo ng Abril.


8. Paano maging kasapi ng Batingan System of Savings and Credit Cooperative?

Sundan lang ang mga sumusunod na HAKBANGIN para matanggap ang iyong aplikasyon sa pagiging kasapi ng Kooperatiba (Paalala: meron kang 3 araw na palugit para makumpleto ang mga hakbanging ito):


a. I send ang iyong buong pangalan at gmail account sa BSSCC (Cp# 09067513897) FB Messenger account ng Koop para mai share sa gmail account mo ang mga gagamiting Google Forms.

b. Punuan ang Registration Form para sa BSSCC Pre-Membership Education Seminar by clicking the Google Form Link:

Registration Form for BSSCC Pre-Membership Education Seminar (pagkatapos punuan, i click ang close button para bumalik sa hakbangin)

c. Panoorin at intindihing mabuti ang mga sumusunod na videos ng Kooperatiba: (pagkatapos panoorin ang isang video, i click ang close button para bumalik sa hakbangin)

c.1 Kasaysayan ng Kooperatiba

c.2 Ano ang Kooperatiba

c.3 Pitong (7) Prinsipyo ng Kooperatiba

c.4 Ano bang meron sa Kooperatiba

c.5 Mga Karapatan at Tungkulin ng Isang Kasapi ng Kooperatiba

d. Pagkatapos panoorin ang 5 videos, basahing mabuti naman ang Profile ng Kooperatiba:

Profile ng Batingan System of Savings and Credit Cooperative. (pagkatapos basahin, i click ang close button para bumalik sa hakbangin)

e. Ngayon, kung ikaw ay handa na para sa pagsusulit/test, i click lang ang sumusunod na Link: 7 Tanong para sa pagsusulit ng BSSCC Pre-Membership Education Seminar at i SUBMIT.

f. Susuriin ng Education Committee and mga sagot mo sa 7 Tanong at bibigyan ka ng abiso kung nakapasa ka o hindi sa pagsusulit. Kung hindi ka nakapasa sa pagsusulit, kailangan mong kumuha ulit nito hanggang sa makapasa ka na.

g. Kung PASADO ka na sa pagsusulit, kailangan mo nang magbayad ng Php100.00 Membership Fee at Php2,000.00 paunang share capital (pwedeng hulugan) bilang kondisyon para matanggap ng Board of Directors ang iyong aplikasyon, sa alin mang paraan ng pagbabayad:

g.1 Direktang pagbabayad sa Opisina ng Kooperatiba sa 109 B Cortez St. Dalig Batingan Binangonan, Rizal; o

g.2 GCash in sa GCash Account ng BSSCC Manager# 09996844269 (F. Mojica).

h. Kapag nakumpleto mo nang bayaran ang Php2,100.00 (Php100.00 Membership Fee at Php2,000.00) share capital, i endorso na nang Education Committee ang iyong aplikasyon sa Board of Directors para ito ay tanggapin. Bibigyan ka ng kopya ng Board Resolution bilang patunay sa pagtanggap ng iyong aplikasyon para maging kasapi ng Kooperatiba. (Dulo na ito ng mga hakbangin kung paano maging Kasapi ng Kooperatiba).